Kemeeeeee...

Comments · 152 Views

Araw-araw, nandoon palagi ang pagsisisi. Pagsisisi sa mga bagay na hindi dapat ginawa, at sa mga salitang hindi dapat sinabi. Patuloy na naiisip ang mga pagkakamaling noo'y nagawa. Patuloy na nagiging bukas ang isipan at umunawa. Sa bawat reyalisasyon sa araw-araw, ang mga bagay na d

 

Araw-araw, nandoon palagi ang pagsisisi. Pagsisisi sa mga bagay na hindi dapat ginawa, at sa mga salitang hindi dapat sinabi. Patuloy na naiisip ang mga pagkakamaling noo'y nagawa. Patuloy na nagiging bukas ang isipan at umunawa. Sa bawat reyalisasyon sa araw-araw, ang mga bagay na dati'y hindi napahahalagahan at nakikita, ngayon ay natatanaw. May oras pa naman upang gawin ang hindi nakasanayan. May oras pa naman upang makabawi. May oras pa, pero hindi alam kung paano sisimulan. 

Comments